Mga Aklat ng Bayan ng KWF, mabibili sa MIBF 2014

Mga Aklat ng Bayan ng KWF, mabibili sa MIBF 2014

Makikilahok ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at ang mga Aklat ng Bayan nito sa pinakamalaking book fair sa bansa, ang Manila International Book Fair mula 17–21 Setyembre, 10 nu–8 ng, SMX Convention Center, Mall of Asia Complex, Lungsod Pasay.   Kabilang sa mga titulong mabibili ang Ortograpiyang Pambansa, Manwal...
Gawad Balmaseda, kikilalanin ang pinakamahusay na tesis at disertasyon sa Filipino

Gawad Balmaseda, kikilalanin ang pinakamahusay na tesis at disertasyon sa Filipino

GAWAD JULIAN CRUZ BALMASEDA     Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng KWF ang Kapasiyahan Blg. 14-24 noong 20 Hunyo 2014 na bumubuo sa Gawad Julian Cruz Balmaseda, isang gawad para sa pinakamahuhusay na tesis at disertasyon na isinulat gamit ang wikang Filipino para sa mga larang ng agham...
Salin Na 2015, tampok ang Impresiones ni Antonio Luna

Salin Na 2015, tampok ang Impresiones ni Antonio Luna

TUNGKOL SA SALIN NA 2015 Ang Salin Na! ay taunang programa ng KWF sa pagsasalin ng pinakamahahalagang tekstong pampanitikan, pangkultura, at/o pangkasaysayan ng bansa tungo sa layuning makalikha ng repositoryo at lawas ng mga opisyal at mapagtitiwalaang salin sa Filipino ng mga naturang akda. Para sa taóng 2015, ang akdang...
Pagtatayo ng Kawanihan ng Pagsasalin sa Filipinas, isinulong ng mga delegado ng Kongreso sa Salin

Pagtatayo ng Kawanihan ng Pagsasalin sa Filipinas, isinulong ng mga delegado ng Kongreso sa Salin

Isang Kawanihan ng Pagsasalin na magiging sentro ng opisyal na mga gawain sa pagsasalin ang nangunang resolusyon na ikinasa ng mga lumahok sa kakatapos pa lamang na Kongreso sa Salin noong 7—9 Agosto 2014, Unibersidad ng Pilipinas Visayas, Lungsod Iloilo. Sa temang Ang Pagsasalin Bilang Pambansang Pangangailangan, nagtipon-tipon ang mahigit...
KAMPEON NG WIKA 2014: ELIZA UY-GRIÑO

KAMPEON NG WIKA 2014: ELIZA UY-GRIÑO

Eliza Uy-Griño Kampeon ng Wika 2014 Dahil sa kaniyang di-matatawarang saliksik hinggil sa wikang Hilagaynon at sa mga wikang lumalaganap sa Panay. Ang kaniyang pag-aaral ay nagbunyag ng salimuot ng katutubong wika mulang ortograpiya hanggang gramatika tungong sosyolingguwistika at kasaysayanat pawang mahirap mapantayan hanggang ngayon ang kaniyang mga aklat, gaya...
KAMPEON NG WIKA 2014: LEONCIO P. DERIADA

KAMPEON NG WIKA 2014: LEONCIO P. DERIADA

Leoncio P. Deriada Kampeon ng Wika 2014 Dahil sa kaniyang pagiging editor ng mga babasahing pampanitikan, na nagtatampok ng mga kontemporaneong katha, tula, at dula sa mga wikang Hiligaynon, Aklanon, Kiniray-a, Ingles, at Filipino na pawang sumibol sa Kanlurang Visayas, habang ipinapakilala ang mga kabataang manunulat na bihasa sa mga...
KAMPEON NG WIKA 2014: ALICIA P. MAGOS

KAMPEON NG WIKA 2014: ALICIA P. MAGOS

Alicia P. Magos Kampeon ng Wika 2014 Dahil sa kaniyang nakayayanig ngunit nakabibighaning saliksik hinggil sa mga epiko at alamat ng Panay, at sa masusing pag-aaral sa unti-unting nangaglalahong binukot at maaram, at muling pagtuklas at pagtatala ng mga epikong dáting naririning lamang sa mga piling pagdiriwang, gaya ng Alayaw,...
Dangal ng Wikang Filipino 2014: Lucio "Ka Louie" N. Tabing

Dangal ng Wikang Filipino 2014: Lucio “Ka Louie” N. Tabing

 Dangal ng Wikang Filipino 2014 LUCIO N. TABING (kilala rin bilang Ka Louie Tabing) ABS-CBN DZMM Radyo Patrol 630   Likas-kayang agrikultura ang sinikap niyang isahimpapawid sa pamamagitan ng radyo, at ang radyo ay naging kapuwa midyum at mensahe para matamo ng mga mamamayan ang mabisang ugnayan at maalwang kabuhayan....
Dangal ng Wikang Filipino 2014: Padre Roque J. Ferriols, SJ

Dangal ng Wikang Filipino 2014: Padre Roque J. Ferriols, SJ

DANGAL NG WIKANG FILIPINO 2014 FR. ROQUE J. FERRIOLS, SJ Pamantasang Ateneo de Manila Hinanap niya ang katotohanan gaya ng tao na sumasakay sa dyip, at ang biyahe ay nag-iiwan ng marka sa pook na pinag-ugatan ngunit nagbubunyag ng bagong kabatiran, kung hindi man pag-asa, sa mithing paroroonan. Ang paglalakbay...
Madalas Itanong Hinggil sa Wikang Pambansa

Madalas Itanong Hinggil sa Wikang Pambansa

  Libre nang maida-download ang babasahin na Madalas Itanong hinggil sa Wikang Pambansa (Frequently Asked Questions on the National Language) ng Komisyon sa Wikang Filipino! I-click lamang ang susunod na link para sa libreng kopya nito: Madalas Itanong  
Mga Aklat ng Bayan, ipinakilala sa madla

Mga Aklat ng Bayan, ipinakilala sa madla

Inilunsad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang Aklat ng Bayan, ngalan ng bagong serye ng mga aklat ng ahensiya, noong 15 Agosto 2014, Pambansang Museo, Lungsod Maynila. May 18 bagong titulo ang Aklat ng Bayan na nagmimithing bumuo ng “Aklatan ng Karunungan” at itampok ang kakayahan ng Filipino bilang...
Batangas, hihiranging huwarang lalawigan ng KWF sa Pagbubukas ng Buwan ng Wika 2014

Batangas, hihiranging huwarang lalawigan ng KWF sa Pagbubukas ng Buwan ng Wika 2014

  Tinotoo ni Gobernadora Vilma Santos-Recto ang pagiging Kampeon ng Wika. Sa kauna-unahang pagkakataon, bubuksan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang Buwan ng Wika sa isang lalawigan dahil sa imbitasyon ng Punong Lalawigan at sa pagnanais niyang itanghal ang Batangas bilang modelong pook sa paggamit ng wikang Filipino. Mangyayari...
BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2014

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2014

ANG FILIPINO BILANG WIKA NG PAGKAKAISA Buwan ng Wikang Pambansa 2014 Ngayong Buwan ng Wika 2014, ibinabandera ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang halaga ng wikang  Filipino bilang wikang nagbubuklod sa bansa. Filipino: Wika ng Pagkakaisa ang tema ng pagdiriwang ngayong taon na magtatampok ng mga gawaing pangwika at...
Latest entries
KULO AT KOLORUM (26)

KULO AT KOLORUM (26)

ni Virgilio S. Almario SEGURADO KA BA? NABANGGIT NI Ambeth Ocampo sa isang kolum niya ang problema ng nagbagong kahulugan sa atin ng “sigúro” mula sa orihinal na seguro ng Espanyol. Maraming ganitong pangyayari sa mundo ng hiramang wika. Sa naturang kaso, ang bagong anyo sa ating wika ay halos kabaligtaran ang kahulugan ng hiniraman....
KULO AT KOLORUM (25)

KULO AT KOLORUM (25)

ni Virgilio S. Almario ANG PORMASYON NG KASIKE   MALAKI ANG AKING natutuhan sa lektura ni Dr. Rey C. Ileto nitóng Sabado, 30 Agosto 2014 sa Kongreso ng UMPIL, lalo na hinggil sa pormasyon ng salitâng “kasíke” (cacique) sa ating kasaysayan. Nakamihasnan ko nang gamitin ito nang may napakanegatibong ibig sabihin. Ngunit nagsimula palá ito...
Mga Aklat ng Bayan ng KWF, mabibili sa MIBF 2014

Mga Aklat ng Bayan ng KWF, mabibili sa MIBF 2014

Kasama ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at ang mga Aklat ng Bayan nito sa pinakamalaking book fair sa bansa, ang Manila International Book Fair mula 17–21 Setyembre, 10 nu–8 ng, SMX Convention Center, Mall of Asia Complex, Lungsod Pasay. Kabilang sa mga titulong mabibili ang Ortograpiyang Pambansa, Manwal sa Masinop na Pagsulat, Korespondensiya Opisyal,...
Ang Wika ng Ating Imahinasyon

Ang Wika ng Ating Imahinasyon

ANG WIKA NG ATING IMAHINASYON (Panayam para sa KASUGUFIL, 23 Agosto 2014) ni Virgilio S. Almario   MAY KAESKUWELA AKO na nananaginip daw sa Ingles. Naku, sabi ko, sana hindi ako lumilitaw sa panaginip mo. Kasi baluktot ang Ingles ko. Tumawa lámang siya at hanggang ngayon ay hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin...
Ileto, magbibigay ng Panayam Cristobal sa Kumperensiya ng UMPIL 2014

Ileto, magbibigay ng Panayam Cristobal sa Kumperensiya ng UMPIL 2014

Ang kumperensiya ngayong taon ay magtatampok ng mga plenaryong panayam ng mangangatha at iskolar na si Dr. Rosario Cruz-Lucera (UP Diliman), at Pangalawang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na si Dina S. Ocampo. Tampok rin ng UMPIL ang Panayam Adrian Cristobal na ibibigay ni Dr. Reynaldo Ileto, awtor ng Pasyon and Revolution. Kabilang sa mga...
Ang Pambansang Kumperensiya at Kongreso ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) 2014 sa UP Diliman

Ang Pambansang Kumperensiya at Kongreso ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) 2014 sa UP Diliman

  Gaganapin ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) ang taunan nitong pambansang kumperensiya at kongreso sa Agosto 28-30, 2014, 8 n.u.-5 n.h., sa College of Mass Communication ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Papaksain ng kumperensiya ang temang “Ang Rehiyonal na Panitikan Bilang Pambansang Panitikan”. Nilalayon ng kumperensiya na mapagtuunang-pansin ang panitikan sa mga...
KO SA TIGRENG LUNGSOD MANDALUYONG, MANGYAYARI SA 22-23 AGOSTO

KO SA TIGRENG LUNGSOD MANDALUYONG, MANGYAYARI SA 22-23 AGOSTO

  Ang tinaguriang Tigreng Lungsod (Tiger City) ng Filipinas, ang isa sa mga unang lungsod na nagpaunlak para sa pagsasanay ng Korespondensiya Opisyal (KO) at Implementasyon ng E.O. 335 sa 22-23 Agosto, Lungsod Mandaluyong. Inaatasan ng Atas Tagapagpagganap (EO 335) ang lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan na magsagawa ng hakbang para magamit ang wikang...
Tawag para sa KWF Grants Program

Tawag para sa KWF Grants Program

KWF Grants Program   Ang KWF Grants Program ang taunang programa ng Komisyon sa Wikang Filipino para sa mga organisasyong pangwika at pampanitikan upang maging katuwang sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa Filipinas.   Alisunod sa mandato ng Komisyon sa Wikang Filipino na manghikayat at paunlarin ang wikang Filipino...
KULO AT KOLORUM (20)

KULO AT KOLORUM (20)

ni Virgilio S. Almario RIZAL: KAAWAY NG WIKANG FILIPINO?   TULAD NG KINATATAKUTAN ko, may artikulong nalathala sa isang peryodiko noong 19 Hunyo na isang makawikang Filipino si Rizal dahil sa kaniyang tulang “Sa Aking mga Kabata.” Mahirap talagang sawatain ang isang lumaganap na kamangmangan. Subalit higit akong nagitla sa isang narinig kong pahayag na...
KWF, nagbigay ng mga gawad sa Araw ni Quezon

KWF, nagbigay ng mga gawad sa Araw ni Quezon

Kinilala ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang mga huwarang indibidwal na nagtaguyod at naglingkod sa wika sa 19 Agosto, Araw ni Quezon, Sulô Riviera Hotel, Lungsod Quezon. Dumalo bílang mga panauhing pandangal sina Kgg. Sitti Djalia A. Turabin-Hataman, Kinatawan ng Kongreso ng Pilipinas (Anak Mindanao Partylist); at Kgg. Ma.Josefina “Joy” G. Belmonte, Pangalawang Punong...
MGA PRESYO NG IPINAGBIBILING AKLAT NG BAYAN

MGA PRESYO NG IPINAGBIBILING AKLAT NG BAYAN

Para sa mga order, tumawag sa 516-0347
MGA ULIRANG GURO SA FILIPINO, MAKIKILALA NA

MGA ULIRANG GURO SA FILIPINO, MAKIKILALA NA

ULIRANG GURO 2014   I-click ang thumbnail para sa mas malaking imahen ng mga resulta Apatnapu’t limang Ulirang Guro sa Filipino mula sa iba’t ibang panig ng Filipinas ang napili ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) mula sa humigit-kumulang 120 lahok. Tatlong Ulirang Guro sa antas tersiyarya, 30 sa sekundarya, at 12 sa elementarya ang...