Tema: Sa Pangangalaga ng Wika at Kalikasan, Wagas na Pagmamahal Talagang Kailangan
Dep Ed Memo Blg. 309 s 2010 CHED Memorandum DILG Memorandum
KALENDARYO NG MGA GAWAIN
Agosto 1
Gawad Sagisag Quezon
“Sining Gising”�
Channel 4, Lungsod Quezon
Agosto 2
Pagpupugay sa Watawat
4/F Social Hall, Mabini Bldg.,
Malacañang
Agosto 2
Talakayang Pangwika
Bulwagan ng Karunungan,
DepED Complex, Meralco Ave.
Pasig City
Agosto 3
Komperensiyang Pangwika Bulwagan ng Karunungan,
DepED Complex, Meralco Ave.
Pasig City
Agosto 5-7
Komperensiya sa Gabay sa Ortograpiyang Filipino
Mariano Marcos State Univ.
Batac, Ilocos Norte 5-7
Agosto 11-13
Pambansang Lektyur-Worksyap sa Filipino
University of Eastern Phil.
Univ. Town, Catarman, N. Samar
Agosto 12-14
Seminar sa Gabay sa Ortograpiyang Filipino
Aurora State University
Baler, Aurora
Agosto 14
74 Anibersaryo ng Araw ng Pagkatatag ng KWF
Tanggapan ng KWF
Agosto 18-20
Seminar sa Gabay sa Ortograpiyang Filipino
Western Mindanao State Univiveriw
Zamboanga City
Agosto 19
Parada ng Wika (Quezon Day)
Quezon Memorial Circle
Lungsod Quezon
Agosto 20
Timpalak sa Balagtasan Makati Cultural
and Tourism Affairs Office
Makati City
Agsoto 26-28
Seminar sa Gabay sa Ortograpiyang Filipino
Pangasinan State University
Bayambang, Pangasinan
Agosto 31
Araw ng Gawad�
Philippine Columbian
Plaza Dilao, Paco
Lungsod ng Maynila
PALATUNTUNAN NG MGA GAWAIN
Agosto 1-7 Wika’y Kailangan sa Pandaigdigang Impormasyon sa Pangangalaga ng Kalikasan
1.Pagdaraos ng Seminar-Worksyap sa lahat ng mga kinauukulan sa pagtalakay sa pangangalaga ng kalikasan na wikang Filipino ang gamit para sa epektibong talakayan.
2.Pagdaraos ng mga diyalog sa pangunguna ng mga opisyal ng paaralan at ng mga baranggay/bayan o lungsod sa pagtutulungan sa pangangalaga ng kalikasan upang maiwasan ang sakunang dulot ng pagkawasak nito – na ang gagamiting wika ay Filipino.
3.Pakikipagbalikatan sa Climate Change Commission (CCC) sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas sa pagdaraos ng mga programa, gawain at palatuntunan na ang tema ay nakatuon sa wika at kalikasan.
4.Ganap na paggamit ng Filipino sa mga komunikasyon at korespondensiya.
5.Pagdaraos ng paligsahan sa pag-aayos ng silid-aralan na naghahatid ng mensahe tungkol sa kalikasan.
Agosto 8-14 Wika’y Instrumento sa Pagpapalaganap ng Kamalayan sa Pagbabago ng Kalikasan
1.Pakikipanayam sa mga opisyal at lider na kaugnay sa mga programa sa pangangalaga ng kalikasan.
2.Pagpapalabas ng isang pelikulang dokumentaryo tungkol sa pinsalang hatid ng Climate Change (halimbawa, Bagyong Ondoy ).
3.Pagpapasulat ng pormal o di-pormal (elementarya at sekondarya) na sulatin at sanaysay (kolehiyo) tungkol sa paksa.
4.Pagtatanghal ng dula-dulaan para sa pangangalaga ng kalikasan.
5.Paghahanda ng iba-ibang slogan na may kaugnayan sa paksa, para sa lalo pang kasiglahan ng pagdiriwang.
Agosto 15-21 Wika’y Mabisang Susi sa Edukasyong Pangkalikasan
1.Pagpapatala ng mga katawagang teknikal na ginagamit sa pangangalaga ng kalikasan.
2.Pagdaraos ng Patimpalak sa pagguhit na ang tema ay may kaugnayan sa pangangalaga ng kalikasan.
3.Pagsasatao ng ugnayan ng wika at kalikasan.
4.Pagdaraos ng mga talakayan hinggil sa edukasyong pangkalikasan
5.Pagdaraos ng debate hinggil sa epekto ng industriyalisasyon sa kalikasan – wikang Filipino ang gamit na midyum.
Agosto 22-28 Ang Pagpapahalaga sa Wika at Pangangalaga sa Kalikasan ay Pagmamahal sa Inang Bayan
1.Pagtalakay sa klase sa kahalagahan ng wikang Filipino sa pag-unawa sa pagbabago ng kalikasan.
2.Pagtuturo sa sambayanang Pilipino sa pagpapahalaga at pangangalaga ng kalikasan na wikang Filipino ang gamit.
3.Pagbuo at/o pagsariwa ng mga awiting Filipino tungkol sa pagpapahalaga at pangangalaga sa kalikasan bilang patunay ng pagmamahal sa bayan.
4.Pagdaraos ng Patimpalak sa paggawa ng poster na naglalarawan ng kalikasan at/o kapaligiran ng Pilipinas noon at ngayon.
5.Pagtataguyod ng Palatuntunan tungkol sa pagmamahal sa wika at kalikasan.
Agosto 29-31 Wika’t Kalikasan Mahalin at Pangalagaan, Biyaya ng Poong Maykapal sa Inang Bayan
1.Pagdispley ng mga isinagawang patimpalak sa panahon ng pagdiriwang.
2.Pagdaraos ng palatuntunan na nagpapakita ng iba’t ibang konsepto ng pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagpapahalaga at pangangalaga sa wika at kalikasan
3.Pag-uulat sa iba’t ibang gawaing isinagawa kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2010.
Gawad Surian sa Sanaysay 2010
Ang Gawad Surian sa Sanaysay 2010 ay timpalak sa pormal na pagsulat ng sanaysay sa wikang Filipino na taunang itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino na kaalinsabay na ginaganap sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa.
Layunin:
•Maitaas ang antas ng paggamit ng wikang Filipino sa pagsulat;
•Komprehensibong mailahad ang tema.
Tuntunin:
1.Bukas ang timpalak sa lahat, maliban sa mga kawani ng KWF.
2.Orihinal ang lahok, hindi salin sa ibang wika at hindi pa nalalathala. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok sa timpalak at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF ang sinumang nahuli at napatunayang nagkasala ng pangongopya.
3.Ang paksa ng timpalak ay “Sa Pangangalaga ng Wika at Kalikasan, Wagas na Pagmamahal Talagang Kailangan.”
4.Ang lahok ay apat (4) na kopyang makinilyado o kompyuterisado (Font 12 – Garamond), doble ang espasyo sa 8 ½ x 11 na bond paper na may palugit na dalawang (2) pulgada sa kaliwa, at isa (1) sa kanan, itaas at ibaba.
5.Ang haba ay hindi kukulangin sa labindalawang (12) pahina ngunit di hihigit sa tatlumpung (30) pahina.
6.Isang (1) lahok lamang ang maaaring isumite na walang pagkakakilanlan kahit sagisag-panulat. Maglakip ng hiwalay na resume at isang (1) 1×1 colored picture at ipaloob sa saradong brown envelop kalakip ang lahok. I-click para sa PORMULARYO
7.Ang lahok ay madadala nang personal. Kung sa koreo o courier ipapadala, kailangang may tatak ito ng petsa sa o bago ang deadline sa Agosto 6, 2010 ganap na ika-5:00 ng hapon.
8.Lahat ng sasali ay tatanggap ng Katibayan ng Paglahok.
9.Ang gantimpala ay salapi, plake at katibayan ng pagwawagi para sa anim na mananalo sa timpalak.
Unang gantimpala P20,000.00
Ikalawang gantimpala P15,000.00
Ikatlong gantimpala P10,000.00
Tatlong (3) karangalang-banggit P 5,000.00 (bawat isa)
10. Ang pasya ng inampalan ay pinal at di maipaghahabol.
11. Lahat ng mga lahok ay pag-aari ng KWF at angkin ng tanggapan ang karapatang mailathala ang mga ito na walang tatanggaping royalty ang may-akda.
12. Mangyaring isumite ang lahok sa:
SANGAY NG IMPORMASYON AT PUBLIKASYON
Komisyon sa Wikang Filipino
Watson Bldg., 1610 J.P. Laurel Street
Malacañang Palace Complex
San Miguel, Maynila
13. Maaaring tumawag sa telepono blg. 736-0315 para sa iba pang katanungan.
Commission on Higher Education
Department of Education
National Commission for Culture and the Arts
Office of the President
Philippine Charity Sweepstakes Office