Kampo Balagtas 2016

I-click ang sumusunod na link para sa DepEd Advisory No. 371, s. 2015 hinggil sa Pakikilahok sa Kampo Balagtas 2016 ng Komisyon sa Wikang Filipino: http://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/DepEd-Advisory_KB-2016.pdf.

Maligayang ika-101 anibersaryo ng kapanganakan kay Severino Montano, Pambansang Alagad ng Sining

SEVERINO MONTANO Pambansang Alagad ng Sining para sa Teatro (3 Enero 1915–12 Disyembre 1980) Si Severino Montano ay isang mandudula, makata, direktor, at organisador ng teatro. Siya ang nagtatag at nag-organisa ng Teatrong Arena noong 1953 sa Philippine Normal College (PNC), at pinangunahan ang Kilusang Balik sa Barrio, habang siya ay Dekano para sa Intruksiyon continue reading : Maligayang ika-101 anibersaryo ng kapanganakan kay Severino Montano, Pambansang Alagad ng Sining

Florentino H. Hornedo (1938–2015), Komisyoner para sa wikang Ivatan

Nakikiramay ang KWF sa pamilya ni Dr. Florentino H. Hornedo na pumanaw noong 9 Disyembre 2015 sa Sabtang, Batanes. Si Dr. Hornedo ay isang iginagalang na eskolar, kritiko, propesor, at eksperto sa wika. Naglingkod siya sa KWF bilang komisyoner para sa wikang Ivatan. Retrato mula sa culturalcenter.gov.ph

Komisyoner Jerry B. Gracio, S.E.A Write Awardee ng Filipinas ngayong 2015

Malugod na binabati ng KWF si Komisyoner Jerry B. Gracio, kinatawan ng wika sa  Samar-Leyte, sa pagtanggap niya ng prestihiyosong South East Asian Writers Award (SEA Write Award). Pagkilala ang gawad na ito sa pinakamahuhusay na manunulat ng Timog Silangang Asya at iginagawad ng maharlikang pamilya ng Thailand mula pa noong 1979. Maaaring basahin ang continue reading : Komisyoner Jerry B. Gracio, S.E.A Write Awardee ng Filipinas ngayong 2015

Natatanging parangal sa National Book Award ng KWF para sa mga pag-aaral sa wika, ipinagkaloob sa Ambagan 2011

Nagwagi sa kategoryang mga pag-aaral sa wika ang Ambagan 2011: Mga Salita Mula sa Iba’t Ibang Wika sa Filipinas ni Michael M. Coroza at Galileo S. Zafra sa ika-34 na National Book Awards (NBA) ngayong 2015. Isa itong natatanging gawad na inihahandog ng Komisyon sa Wikang Filipino sa NBA na itinataguyod ng Pambansang Lupon para continue reading : Natatanging parangal sa National Book Award ng KWF para sa mga pag-aaral sa wika, ipinagkaloob sa Ambagan 2011