Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng KWF ang Kapasiyahan Blg. 18-24 na nagpapahayag na ang tema ng Buwan ng Wika para sa taong 2018 ay “Filipino: Wika ng Saliksik.”

Ang tema ay kumikilala sa wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran. Sa pamamagitan ng tema, layon ng KWF na palaganapin ang wikang Filipino sa iba’t ibang larang ng karunungan, lalo na sa agham at matematika.

Nais mo bang maging bahagi ng pagpapalaganap ng wikang Filipino bilang wika ng saliksik? Abangan ang susunod na mga anunsiyo ng KWF hinggil sa mga programang pangwika sa Agosto 2018!

DepEd Memorandum

CSC Memorandum 

DepEd Memorandum

DILG Memorandum

Kalendaryo ng mga Gagawin