• Home
  • ANUNSIYO
  • BUWAN NG WIKA 2010
  • MGA WIKA
  • PAPEL-ARTIKULO
  • PSWF
  • PUBLIKASYON
  • TULA-SANAYSAY
  • TUNGKOL SA KWF
  • feeds

Lektyur-Seminar sa Ortograpiya ng Wikang Filipino at Pagtalakay sa Napapanahong Mga Isyung Pangwika

Balita    

Pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino, sa pamamagitan ng Sangay ng Lingguwistika, ang pagdaraos ng Pambansang Lektyur-Seminar sa 2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino at Pagtalakay sa Napapanahong mga Isyung Pangwika sa mga Itinalagang Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino (PSWF) mula sa mga buwan ng Mayo hanggang Oktubre gaya ng naka-iskedyul.

Layunin nito ang malawakang pagpapalaganap sa buong bansa ng bagong gabay sa ortograpiya at pagtalakay sa mga isyung pangwika.

Inaanyayahang dumalo sa nasabing lektyur-seminar ang mga propesor, punungguro, superbisor, koordineytor, at guro sa Filipino sa lahat ng antas.

Magbabayad ang mga dadalo ng butaw na Dalawang Libong Piso (Php2,000.00) para sa rehistrasyon kasama ang sertipiko, handawts at pagkain ng mga kalahok (3 tanghalian at 5 isnaks). Hindi kasama ang akomodasyon subalit maaaring makipag-ugnay sa mga PSWF Direktor sa mga rehiyong dadaluhan ng mga kalahok..

Parang sa karagdagang impormasyon, tumawag sa KWF sa tel. blg.: (02) 736-2525 lokal 107 kina:  Bb. Sandor B. Abad, facilitator sa Mindanao; Gng Ma. Victoria C. Casoy, facilitator sa Visayas; at Gng. Edna R. Aquino, Facilitator sa Luzon.

SAN JUAN, MAKATA NG TAON 2010

Balita    

Si David Michael M. San Juan, guro sa Colegio San Agustin, Dasmariñas Village, Makati, ang nagkamit ng unang gantimpala at titulong ‘Makata ng Taon 2010’ sa kanyang lahok na “Ang Tutulain kong Harana: Sanlibo’t Isang Pahina ng Istorya’t Historya ng Sintang Bayan kong Luzviminda.”

Ang katatapos na timpalak sa Talaang Ginto: Gawad Surian sa Tula-Gantimpalang Antonio Laperal Tamayo ay taunang itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino kaugnay ng pagdiriwang ng ‘Araw ni Balagtas.’

Ang pangalawa at pangatlong gantimpala ay natamo nina John Enrico Torralba, guro sa DLSU-Maynila at Prof. Leodivico Lacsamana, tagapangulo, departamento ng Filipino, College of Arts and Sciences ng University of Asia and the Pacific sa kanilang mga lahok na ‘Mga Elemental na Pag-ibig’ at ‘Pintado: Inuukit sa Kulay ang Hibla ng Hininga’ ayon sa pagkakasunod.

Nagwagi ng karangalang-banggit ang mga sumusunod: una, Reynaldo Duque, Kimay; pangalawa, Joselito Delos Reyes, Kung Kailan Kailangan; at pangatlo, Joel Malabanan, Panawagan sa mga Bayani ng Panitikang Pilipino.

Tatanggapin ng mga nagwagi ang kanilang mga gantimpala at tropeo sa programa ng Araw ni Balagtas na gaganapin sa Abril 13, 2010 (12:00 n.t.) sa Bulwagang Leandro V. Locsin, Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), Gen. Luna St., Intramuros, Maynila. Ang mga naging hurado: Prof. Rogelio G. Mangahas, editor-consultant, C&E Publishing, tagapangulo; at mga kagawad na sina Prof. Tomas C. Ongoco, pangulo, QC Academy at Dr. Pamfilo D. Catacataca ng National Teachers College.

DALAWANG TIMPALAK NG KWF, BINUKSAN

Balita    

Tumatanggap na ang Komisyon sa Wikang Filipino ng mga lahok para sa dalawang timpalak nito kaugnay ng taunang pagdiriwang ng “Araw ni Balagtas” tuwing ikalawa ng Abril.

Ang Una ay ang TALAANG GINTO: GAWAD SURIAN SA TULA-GANTIMPALANG ANTONIO LAPERAL TAMAYO na bukas sa lahat maliban sa mga kawani ng KWF at mga kaanak nito.

Sa taong ito, tanging ang mga lahok lamang na may sukat at tugma ang maaaring tanggapin ng lupon sa tula.

Ang pangalawa ay ang pambansang TIMPALAK SA PAGTATANGHAL NG DULA na La India Elegante y El Negrito Amante na sinulat ni Francisco ‘Balagtas’ Baltazar. Bahagi lamang ng piyesa nito ang itatanghal at ito ay makukuha sa KWF o dito i-click. Bukas ang timpalak sa mga guro sa elementary at sekundarya, publiko at pribado man.

Ang huling araw ng pagsusumite ng mga lahok para sa dalawang timpalak ay sa Marso 12 at 15, 2010 ayon sa pagkakasunod. Ang lahok ay maaaring dalhin nang personal ng mga kalahok para sa timpalak sa tula at ng kinatawan ng grupo para sa pagtatanghal ng dula o ipadala sa pamamagitan ng koreo o courier sa :

Lupon sa Tula o Lupon sa Pagtatanghal ng Dula
Komisyon sa Wikang Filipino
2/F Watson Bldg., 1610 J.P. Laurel Street
San Miguel, Manila

Bukas na rin ang nominasyon para sa taunang parangal na GAWAD FRANCISCO BALAGTAS. Para sa detalye nito o tumawag sa telepono bilang 7362525 local 105 at 7363832 para sa katanungan sa mga timpalak.

Komisyon sa Wikang Filipino Muling Nakiisa sa ‘Araw ng mga Dumagat’

Balita    

dumagat

Sa ikalawang pagkakataon ay muling nakiisa ang Komisyon sa Wikang Filipino sa taunang pagdiriwang ng Araw ng mga Dumagat na ginanap noong Enero 10, 2010 sa National Power Corporation Compound, Hilltop, Norzagaray, Bulacan.

Matagumpay na pinangunahan ni KWF Punong Komisyoner Jose Laderas Santos ang pakikisalamuha sa mga katutubong Dumagat. Samantala, masigasig na ginampanan ng mga kawani ang nakatalagang mga gawaing pangwika ng kani-kanilang sangay.

Pinangunahan ni Aries Burgos, 5 taong-gulang ang Tatlumpu’t Dalawang (32) mga batang Dumagat sa timpalak sa pagtukoy ng pangalan ng karaniwang mga bagay na ipinapalagay na alam na ng mga batang Dumagat. Ang mga larawang-guhit gaya ng bahay kubo, mga gamit na makikita sa kusina, mga instrumento sa pagtugtog ay matiyagang inihanda at iginuhit na lahat ni G. Dodie Roldan na kasama rin ni G. Jesus Ferrer na nangasiwa sa timpalak para dito. Pinamahalaan din nina G. Ferrer at G. Roldan ang patimpalak sa pagbigkas ng tulang may pamagat na Ako ay Dumagat na magkatuwang na isinulat nina Punong Komisyoner Jose Laderas Santos at G. Jesus Ferrer ng Sangay ng Impormasyon at Publikasyon. Sina Abigail Bihasa at Sheryl Friginal ang dalawang dalagitang Dumagat na napakiusapang lumahok sa timpalak para bumigkas ng tula sa tulong ng gurong si Emerenciana Sembrano ng Sitio Basyo, Doña Remedios Trinidad, Bulacan at ni Sgt. Arnel R. Targa, Detachment Commander, Suha Checkpoint, Norzagaray, Bulacan.

Pinangasiwaan ng Sangay ng Pagsasalingwika sa pamamagitan ni Bb. Rosie Martinez ang pagpapa-awit ng mga katutubong awitin ng mga Dumagat. Dalawang awiting Dumagat “Be De Edup Mo” at Podiin, Podiin Eya (Purihin, Purihin Siya) ang ipinarinig ni Gng. Myra Cruz ng Sitio Manalo, Norzagaray, Bulacan. Inawit naman ni G. Raymon Villianida ang “Nototol Kami” (Lalakad na Kami).

Pinangunahan ng Puno ng Sangay ng Lingguwistika, Dr. Leticia Macaraeg at mga kasama nito ang pagpapakuwento sa mga katutubong Dumagat at pagpapasulat ng kuwento ng mga ito sa kanilang wika at pati na rin ng salin ng kuwento sa wikang Filipino. Isang katutubong kuwentong Dumagat ang ibinahagi ni G. Dominador Friginal; ikinuwento naman ni Araceli Torres ang simpleng pamumuhay nila sa kabundukan; at tungkol sa pamanhikan at kasal ang isinalaysay ni G. Francisco dela Rosa. Samantala, naroon pa rin ang gurong si Emerenciana Sembrano na siyang matiyagang nagsulat ng mga kuwentong isinalaysay ng tatlo sa wikang Dumagat at pati na ang salin nito sa Filipino.

Nakapangalap ng mga katawagan/salitang Dumagat sina Dr. Miriam P. Cabila, Gng. Evelyn E. Pateño at Gng Rena N. Bondame ng Sangay ng Leksikograpiya sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mag-asawang Romy at Melanie Samson ng Boloan, Ilog Bayan, Nueva Ecija at kay Gng Espie O. Fortuna ng Bulacan.

Samantala, si Komisyoner Bernard R. Masinas kasama si Bb. Martinez ng Sangay ng Pagsasalingwika ay naging abala rin sa pakikipanayam kay Gng. Myra Cruz, isang katutubong Dumagat. Nakapagtipon si Komisyoner Masinas ng ilang mga karaniwang pambati/katanungan at parirala sa wikang Dumagat na may salin sa Filipino. Naipasalin din ni Komisyoner Masinas sa wikang Dumagat ang tulang “Ako ay Dumagat” ang piyesang ginamit sa timpalak sa pagbigkas ng naturang tula.

Ang mga Dumagat ay isang grupo ng mga katutubo na may sariling wika at kultura. Sang-ayon sa Ethnologue kilala rin sila sa mga pangalang Umiray Dumaget at Umiray Agta. Matatagpuan sila sa lalawigan ng Quezon bagama’t may mga Dumagat na makikita rin sa ilang lugar sa Bulacan at Nueva Ecija. Ayon sa datos ng Summer Institute of Linguistics noong 1994 ang populasyon ng Dumagat ay tinatayang umaabot sa Tatlong Libo. Bukod sa kanilang katutubong wika, karamihan sa mga Dumagat ay matatas din sa wikang Tagalog at Iluko.

Nasa ika-68 taon na ang ugnayang ito sa mga Dumagat na sinimulan ni Gen. Alejo Santos noong 1947. Ang krusadang ito ay itinuloy ng kanyang mga anak sa pangunguna ni Dr. Rene Santos at ngayon ay pinangungunahan ng kanyang biyudang si Gng. Amy Santos katuwang ang anak na si Rene Boy Santos. Maraming samahang sibiko ang nakiisa sa okasyon at tunay na naging masaya ang lahat sa maghapong gawain.

Newer Entries »
« Older Entries

Katuwang

    • Commission on Higher Education Commission on Higher Education
    • Department of Education Department of Education
    • National Commission for Culture and the Arts National Commission for Culture and the Arts
    • Philippine Charity Sweepstakes Office Philippine Charity Sweepstakes Office

Search

Senaryo

  • 6 7 2 3 1

Pages

    • ANUNSIYO
    • BUWAN NG WIKA 2010
    • MGA WIKA
    • PAPEL-ARTIKULO
    • PSWF
    • PUBLIKASYON
    • TULA-SANAYSAY
    • TUNGKOL SA KWF
  • Recent Entries
  • Recent Comment
  • Most Comment
  • 674
  • BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2010
  • ARAW NG GAWAD 2010
  • Sa Pangangalaga ng Wika at Kalikasan, Wagas na Pagmamahal Talagang Kailangan
  • Lektyur-Seminar sa Ortograpiya ng Wikang Filipino at Pagtalakay sa Napapanahong Mga Isyung Pangwika
  • SAN JUAN, MAKATA NG TAON 2010
  • DALAWANG TIMPALAK NG KWF, BINUKSAN
  • Komisyon sa Wikang Filipino Muling Nakiisa sa ‘Araw ng mga Dumagat’
  • David Michael M. San Juan, MANANAYSAY NG TAON 2009
  • GAWAD SAGISAG QUEZON 2009
  • Swommerburo in KWF , GAGAMPANAN ANG PAGSASALIN NG …
  • RuriRurgE in KWF , GAGAMPANAN ANG PAGSASALIN NG …
  • Diottopoupt in KWF , GAGAMPANAN ANG PAGSASALIN NG …
  • Reopysfusiops in KWF , GAGAMPANAN ANG PAGSASALIN NG …
  • HathMeema in KWF , GAGAMPANAN ANG PAGSASALIN NG …
  • Anonym in KWF , GAGAMPANAN ANG PAGSASALIN NG …
  • Injuffbradbaf in KWF , GAGAMPANAN ANG PAGSASALIN NG …
  • atrothenastex in KWF , GAGAMPANAN ANG PAGSASALIN NG …
  • atrothenastex in KWF , GAGAMPANAN ANG PAGSASALIN NG …
  • OrgashyharM in KWF , GAGAMPANAN ANG PAGSASALIN NG …
  • Bayani Fernando at mga Kasama Magpapakitang Gilas (1545)
  • Iingatan ng Komisyon sa Wikang Filipino ang award ni G. Edgardo Reyes -Joelad Santos (969)
  • KWF , GAGAMPANAN ANG PAGSASALIN NG MGA BATAS REPUBLIKA (407)
©2007-2010 Free Themes by WpThemesPlugin
Designed by Website Design | Website Templates | Business Reseller Hosting | Web Hosting Rally