Ang FB page na matatagpuan sa www.facebook.com/KomisyonSaWikangFilipino ay isang pekeng akawnt at hindi pinangangasiwaan ng KWF. Tanging ang pahinang ito www.facebook.com/angkomisyonsawikangfilipino ang opisyal na FB page ng Komisyon.

Anumang paskil ng pekeng akawnt na ito ay hindi gawain ng Komisyon.

Nakarating din sa amin ang ulat ng isang netizen hinggil sa paghingi ng registration fee ng pekeng akawnt sa pamamagitan ng 7-11 Cliqq para sa isang timpalak sa tula. Para sa mga timpalak sa tula at sanaysay ng KWF ay wala pong hinihinging bayad ang Komisyon. May mga paskil din ukol sa mga seminar na hindi naman opisyal na gawain at hindi dumaan sa pagsusuri at pag-endoso ng KWF.

Iniulat na ng Pamunuan ng KWF sa DICT at NBI cybercrime group ang bagay na ito. Hinihimok din ang publikong sabay-sabay na ireklamo sa Facebook ang pekeng akawnt upang aksiyonan din ng Facebook ang nauna nang ulat ng KWF hinggil sa pekeng akawnt.

Maging maingat po tayo at tiyaking ang tanging opisyal na FB page lamang na ito ang sundan para sa mga impormasyong pangwika.

Para sa patnubay ng ating mga tagasubaybay na netizen.