BATAS REPUBLIKA BLG. 7104

ISANG BATAS NA LUMILIKHA NG KOMISYON SA WIKANG FILIPINO, NAGTATAKDA NG MGA KAPANGYARIHAN NITO, MGA TUNGKULIN AT MGA GAWAIN, NAGLALAAN NG GUGULIN UKOL DITO, AT PARA SA IBA PANG MGA LAYUNIN

Pagtibayin ng Senado ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas na nagkakatipon
sa Kongreso

  • SEKSYON 1 Maikling Pamagat. – Ang Batas na ito’y makikilalang “Batas ng Komisyon sa Wikang Filipino.”
  • SEK. 2 Paghahayag ng Patakaran. – Alinsunod sa atas ng Konstitusyon, inihahayag dito na patakaran ng pamahalaan na tiyakin at itaguyod ang ebolusyon, pagpapaunlad at pagpapayaman pa ng Filipino na wikang pambansa ng Pilipinas, batay sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at iba pang wika. Tungo rito, ang pamahalaan ay gagawa ng kinakailangang mga hakbang upang maisakatuparan ang naturang patakaran.
  • SEK. 3 Katuturan ng mga Termino. – Gaya ng pagkakagamit ng batas na ito, ang mga sumusunod na mga termino ay binibigyan ng ganitong mga katuturan:

a. Komisyon – tumutukoy sa Komisyon sa Wikang Filipino.
b. Tagapangulo – tumutukoy sa Tagapangulo ng Komisyon.
c. Filipino – tumutukoy sa wikang pambansa ng Pilipinas
d. Mga Wika ng Pilipinas – tumutukoy sa mga katutubong wika ng Pilipinas, kasama ang wikang pambansa at mga wikang rehiyonal at lokal.
e. Wikang Rehiyonal – tumutukoy sa lingua franca o sa karaniwang sinasalitang wika ng rehiyon.
f. Pangunahing wika – tumutukoy sa isang wikang sinasalita at ginagamit ng sangkalimampu (1/50) man lamang o dalawang porsyento (2%) ng lahat ng Pilipino, batay sa pinakahuling natipong datos ng Pambansang Opisina
ng Sensus.
g. Wikang Oksilyari – tumutukoy sa isang partikular na wika, na sinasalita sa ilang tiyak na pook, na umaalalay o tumutulong sa pambansa at/o opisyal na mga wika sa nakatalagang mga tungkulin nito.
h. Iba pang mga wika – tumutukoy sa mga wikang dayuhan, maging opisyal o hindi man, kailan man at nakaimpluwensya sa mga katutubong wika at kultura sa isang kaantasan.
i. Mga Rehiyong Etnolinggwistiko – tumutukoy sa ilang tiyak na lawak heograpikal na ang isang partikular na grupo ng mga tao ay nagsasalita ng isang wika.
j. Mga Disiplina – tumutukoy sa iba’t ibang larangan ng karunungan

  • SEK. 4 Paglikha ng Komisyon sa Wikang Filipino. – Nililikha sa pamamagitan nito ang isang komisyon na makikilalang Komisyon sa wikang Filipino, na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang grupong etnolinggwistiko at iba-ibang disiplina, na magsasagawa, mag-uugnay atmagtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika ng Pilipinas na tuwirang sasailalim ng Tanggapan ng Pangulo.
  • SEK. 5 Pagkakabuo ng Komisyon. – ang Komisyon ay bubuuin ng labing-isang (11) komisyoner, na ang isa ay magsisilbing Tagapangulo. Kakatawanin ng mga komisyoner ang mga pangunahing wika ng Pilipinas, na binibigyang-katuturan sa Seksyon 3 ng Batas na ito: Tagalog, Sebwano, Ilokano, Hiligaynon at ang pangunahing wika ng Muslim Mindanao; ang Kahilagaang mga Pamayanang Kultural; ang Katimugang mga Pamayanang Kultural; at ang iba pang mga wika ng Pilipinas o mga rehiyong linggwistiko ayon sa maaaring ipasya ng Komisyon; Sa Pasubali, Na apat (4) man lamang sa mga komisyoner na ito ay kakatawan din sa iba’t ibang disiplina. Ang Tagapangulo at dalawa (2) sa mga komisyoner ay magsisilbi nang full-time; ang natitirang walo (8) ay magsisilbi nang part-time at dadalo sa regular at espesyal na mga pulong ng Komisyon.
  • SEK. 6 Paghirang at Kwalipikasyon ng mga Komisyoner. – Ang mga komisyoner ay hihirangin ng Pangulo, sa pagsang-ayon ng Komisyon sa Paghirang, mula sa listahan ng mga nominee na isusumite ng iba’t ibang rehiyong linggwistiko sa bansa. Hihirangin ng Pangulo muln salabing-isang (11) komisyoner ang Tagapangulo at ang dalawang (2) komisyoner na full-time.

Hihirang ang Pangulo, mula sa nalalabing walong (8) komisyoner, ng apat (4) na komisyoner na magsisilbi para sa takdang panahong liman g (5) taon at apat(4)na magsisilbi para satakdang panahon na tatlong (3) taon. Kung absent ang Tagapangulo, pipili ang mgakomisyoner ng isang pansamantala o akting Tagapangulo mula sa dalawang (2) komisyoner na full-time.

Walang sinumang mahihirang na komisyoner matangi kung siyaý likas na isinilang na mamamayang Pilipino, mga tatlumpung (30) taong gulang man lamang, nag-aangkin ng malinis na katangiang moral at kinikilala sa kanyang kadalubhasaan sa linggwistika, sa kultura at sa wika ng rehiyong etnolinggwistiko at sa disiplinang kanyang kinakatawan.

  • SEK. 7 Takda ng Panunungkulan. – Ang Tagapangulo at ang dalawang (2) komisyoner na fulltime ay magsisilbi sa loob ng takdang panahon na pitong (7) taon. Ang apat (4) na nalalabing komisyoner ay magsisilbi sa loob ng takdang panahon na limang (5) taon at ang apat (4) na iba pang komisyoner, sa loob ng takdang panahong tatlong (3) taon. Ang mga komisyoner ay maaaring hiranging pang komisyoner, sa loob ng takdang panahong tatlong (3) taon. Ang mga komisyoner ay maaaring hiranging muli ng Pangulo para sa maksimum na isang (1) takdang panahon ng panunungkulan sa pagsang-ayon ng Komisyon sa Paghirang.
  • SEK. 8 Bakante. – Kung sakali’t magkaroon ng bakante bago matapos ang takdang panahon ng panunungkulan ng isang Komisyoner, ipagsisilbi lamang ng kahalili ang di natatapusang bahagi ng takdang panahon ng katungkulang nabakante. Ang Komisyon, sa loob ng tatlumpung (30) araw mula sa petsa ng pagkakaroon ng bakante, ay magrerekomenda sa Pangulo ng panghalili mula sa listahan ng mga nominee na isinumite ng partikular na rehiyong etnolinggwistiko na apektado ng bakante, sa kompirmasyon ng Komisyon sa Paghirang: Sa Pasubali, Na, kung sakali’t ang Komisyon ay magkulang sa pagsasagawa ng naturang rekomendasyon, ang bakante ay lalagyan ng Pangulong tauhan, na mula rin sa listahan ng mga nominee at sa pagsang-ayon ng Komisyon sa Paghirang.
  • SEK. 9 Kompensasyon. – Ang tagapangulo at ang dalawang (2) komisyoner na fulltime ay may magkakatulad na ranggo, mga pribilehyo, sahod, mga alawans at iba pang mga gantimpagal katulad ng sa Tagapangulo at mga kagawad, ayon sa pagkakasunod, ng ibang mga Komisyong Konstitusyonal, na hindi mababawasan sa loob ng takdang panahon ng kanilang panunungkulan. Ang bawat isa sa mga komisyoner na part-time ay tatanggap ng kanyang kompensasyon sa anyo ng onoraryum para sa bawat pulong na kanyang dadaluhan, sa halagang itatakda ng Komisyon.
  • SEK. 10 Tuntunin ng mga Kaparaanan at mga Pulong. – Ang Komisyon ay maglalagda ng sarili nitong mga tuntunin at mga prosidyur at magsesesyon nang minsan man lamang sa isang buwan o sindalas ng pangangailangan ayon sa pasya ng quorum para sa pagganap ng mga gawain nito.
  • SEK. 11 Istrukturang Organisasyonal. – Itatakda ng Komisyon ang istrukturang organisasyonal nito: Sa Pasubali, Na ang mga tauhang teknikal ng Komisyon ay hindi saklaw ng mga tuntunin at mga regulasyon ng Tanggapan ng Pasahod at/o mga pangunahing pangangailangan sa eligibility ng Komisyon ng Serbisyo Sibil.
  • SEK. 12 Direktor Heneral. – Magkakaroon ng isang Direktor Heneral na hihirangin ng misyon para sa takdang panahon ng panunungkulan na pitong (7) taon na maaaring mahirang muli para sa maksimum na isang (1) term. Itatakda ng Komisyon ang mga kapangyarihan, mga gawain, mga tungkulin at kompensasyon ng Direktor Heneral.
  • SEK. 13 Ang Sekretaryat. – Magkakaroon ng sekretaryat na pamumunuan ng Director Heneral. Ang mga gawain, mga tungkulin at kompensasyon ng mga tauhan nito ay itatakda ng Komisyon, sa rekomendasyon ng Direktor Heneral.
  • SEK. 14 Mga Kapangyarihan, mga Gawain at mga Tungkulin ng Komisyon. – Ang Komisyon, ayon sa mga pertinenteng tadhana ng Konstitusyon, ay may mga kapangyarihan, mga gawain at mga tungkuling gaya ng mga sumusunod:

a. magbalangkas ng mga patakaran, mga plano at mga programa upang matiyak ang higit na pagpapaunlad, pagpapayaman, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas
b. maglagda ng mga tuntunin, mga regulasyon at mga patnubay upang isakatuparan ang mga patakaran, mga plano at mga programa nito;
c. magsagawa o makipagkontrata ukol sa mga pananaliksik at iba pang mga pag-aaral upang isulong ang ebolusyon, pagpapaunald, pagpapayaman at sa dakong huliý istandardisasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas. Saklaw nito ang pagtitipon at pagsasaayos ng mga akda para sa posibleng paglalakip nito mula sa multilinggwal na diksyunaryo o ng mga salita, mgaparirala, mga idyom, mga koteysyon, mga salawikain at iba pang mga wika na
sa kasalukuyan ay karaniwang ginagamit o nakasama na sa lingua franca;
d. magpanukala ng mga patnubay at mga istandard para sa mga anyuing lingguwistiko at mga ekspresyon sa lahat ng opisyal na mga komunikasyon, publikasyon, teksbuk at iba pang materyales sa pagbasa at pagtuturo;
e. ganyakin at itaguyod, sa pamamagitan ng sistema ng mga insentibo, mga grant at award, ang pagsulat at paglalathala sa Filipino at sa iba pang mga wika ng Pilipinas, ng mga obrang orihinal, pati na mga teksbuk at mga materyales na reperensya sa iba-ibang disiplina;
f. lumikha at magpanatili sa Komisyon ng isang dibisyon ng pagsasaling-wika na gaganyak sa pamamagitan ng mga insentibo, magsagawa at masiglang magtaguyod ng pagsasalin sa Filipino at sa iba pang mga wika ng Pilipinas ng
mahahalagang akdang historikal at tradisyong kultural ng mga grupong etnolinggwistiko, mga batas, resolusyon at iba pang mga aktang lehislatibo, executive issuances, mga pahayag na pampatakaran ng pamahalaan at mga
dokumentong opisyal, mga teksbuk at mga materyales na reperensya sa ibaibangdisiplina at iba pang mga dayuhang materyales na maaaring ipasyangkinakailangan sa edukasyon at para sa iba pang mga layunin;
g. tawagan ang alin mang department, byuru, opisina, ahensya o alin mang kasangkapan ng Pamahalaan o ang alin mang pribadong entity, institusyon o organisasyon para sa kooperasyon at tulong sa pagtupad ng mga gawain, mga
tungkulin at mga pananagutan nito;
h. mangasiwa, sa antas nasyonal, rehiyonal at lokal, ng mga pagdinig publiko, mga komperensya, mga seminar at iba pang mga talakayang panggrupo upang alamin at tumulong sa paglutas ng mga suliranin at mga isyung may
kaugnayan sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas;
i. bumalangkas at maglagda ng mga patnubay, mga istandard at mga sistema para sa pagmomonitor at pagrereport ng tungkol sa pagganap nito sa antas nasyonal, rehiyonal at lokal; at isumite sa Opisina ng Pangulo at sa Kongreso
ang taunang progress report tungkol sa implementasyon ng mga patakaran, mga plano at mga programa;
j. humirang, sa ilalim ng mga probisyon ng umiiral na mga batas, ng mga opisyal at mga empleado nito at ng iba pang mga tauhang kakailanganin para sa mabisang pagganap ng mga gawain, mga tungkulin at mga pananagutan nito; at itiwalag sila dahil sa malubhang kadahilanan;
k. organisahin at reorganisahin ang istruktura ng Komisyon, lumikha o bumuwag ng mgaposisyon, o magpalit ng designasyon ng umiiral na mga posisyon upang matugunan angnagbabagong mga kondisyon o kailanman at dumarating ang pangangailangan; Sa Pasubali,Na ang naturang mga pagbabago ay hindi makaaapekto sa istatus ng mga nasa pwesto,ibaba ang kanilang mga ranggo, bawasan ang kanilang mga sahod o magresulta sa kanilang pagkatiwalag sa serbisyo; at
l. gampanan ang iba pang mga aktibidad na kinakailangan sa epektibong paggamit ng naturan sa unahan na mga kapangyarihan, mga gawain, mga tungkulin at mga pananagutan.

  • SEK. 15 Pribilehiyo sa Koreo. – Ang mga publikasyon ng Komisyon, tulad ng mga diksyunaryo, mga bokabularyo, mga gramatika, mga pamplet, mga sirkular, mga polyeto at lahat ng iba pang katulad na mga bagay na printed aymagtatamasa ng paggamit sa koreo nang libre sa postage.
  • SEK. 16 Paglilipat ng Umiiral na Ahensya. – Ang lahat ng mga tauhan, mga rekord,mga asset, ekwipment, mga pondo at mga ari-arian ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas sa ilalim ng Atas Tagapagpaganap Blg. 117 ay inililipat sa pamamagitan nito sa Komisyon, na magpapatupad, mamamahala, hahawak at magwawaksi ng naturang mga asset, mga ari-arian at mga apropriyasyon alinsunod sa mga probisyon ng Batas na ito. Ang lahat ng mga saliksik, mga diksyunaryo, mga publikasyon at iba pang mga akdang intelektwal ng Linangan ay itinuturing, gayundin, na nalipat sa Komisyon.

Bibigyang-bisa ng Komisyon ang paglilipat na ditoý itinatadhana sa paraan na sisiguro sa bahagya lamang pagkaabala sa kasalukuyang mga programa ng Linangan. ang mga tauhang kwalipikado at kinakailangan ng Linangan ay inililipat sa at nilalagom ng Komisyon: Sa Pasubali, Na ang taning, ranggo, sahod at mga pribilehiyo ng naturang mga tauhan ay hindiibababa o lubhang maaapektuhan : Sa Pasubali pa rin, Na sa panahon bago sumapit ang aktwal na asumpsyon ng mga tungkulin ng Komisyon at pagganap nito, lahat ng mga pinuno at mga empleado ng Linangan ay patuloy na gaganap ng kanilang mga gawain at tutuparin ang lahat ng kanilang mga tungkulin at mga pananagutan: Sa Pasubali; sa wakas, Na ang umiiral na Linangan ng mga Wika sa Pilipinas ay ituturing na nabuwag na
sa pagkaorganisa ng Komisyon, aktwal na asumpsyon ng mga tungkulin at pagganap nito gaya ng nararapat.

  • SEK.17. Laanggugulin. – Ang pondong kinakailangan upang maisakatuparan ang mga probisyon ng Batas na ito ay ikakarga sa apropriyasyon sa lumalakad na taong piskal ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas. Pagkaraan niyon, ang halagang maaaring kailanganin ay inaawtorisa sa pamamagitan nito na ilaan sa Pangkalahatang Batas ng Apropriyasyon sa taong sumusunod sa pagkapatibay nito upang maging batas.
  • SEK. 18. Promulgasyon. – Ang batas na itoý ipinopromulga sa Filipino at sa Ingles atisasalin sa mga wikang rehiyonal ng Pilipinas. Kung sakali’t may pagaalinlangan, ang bersyon sa Filipino ang mananaig.
  • SEK. 19. Sugnay na nagbubukod. – Kung sakali at ang alin mang probisyon ng Batas na ito o ang aplikasyon ng naturang probisyon ay idineklarang hindi balido, ang natitirang bahagi ng Batas na ito o ang aplikasyon ng naturang probisyon ay hindi maaapektuhan.
  • SEK. 20. Sugnay na nagpapawalang-saysay. – Ang lahat ng mga batas, mga presidential decree, mga atas tagapagpaganap o mga bahagi niyon na di naaayon sa mga probisyon ng Batas na ito ay pinawawalang-saysay o sinususugan gaya ng nararapat
  • SEK. 21. Pagkakabisa. – Magkakabisa ang Batas na ito pagkaraan ng labinlimang (15) araw kasunod ng kompletong pagkakalathala nito sa Official Gazette o sa isang (1) pahayagang may pangkalahatang sirkulasyon.

Pinagtibay,

RAMON V. MITRA JOVITO R. SALONGA
Ispiker ng Kapulungan Pangulo ng Senado
ng mga Kinatawan

Ang bill na ito na isang konsolidasyon ng Senate Bill No. 209 at House Bill No. 21280
ay ipinasa sa wakas ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan noong Hunyo 6, 1991.

CORAZON C. AQUINO
Pangulo ng Pilipinas

 

 

ATAS TAGAPAGPAGANAP BLG. 335

NAG-AATAS SA LAHAT NG MGA KAGAWARAN/KAWANIHAN/ OPISINA/ AHENSIYA/ INSTRUMENTALITI NG PAMAHALAAN NA MAGSAGAWA NG MGA HAKBANG NA KAILANGAN PARA SA LAYUNING MAGAMIT ANG FILIPINO SA OPISYAL NA MGA TRANSAKSIYON, KOMUNIKASYON AT KORESPONDENSIYA.

SAPAGKAT itinadhana ng Konstitusyon ng 1987 na “ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino”; na “samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika”; at ukol sa “mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles”; at

SAPAGKAT sa pamamagitan ng puspusang paggamit ng wikang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon at korespondensiya sa mga opisina ng pamahalaan ay lalong mauunawaan at mapahahalagahan ng sambayanang Pilipino ang mga programa, proyekto at mga gawain ng pamahalaan sa buong bansa, at sa gayon ay magsisilbing instrumento ng pagkakaisa at kapayapaan para sa pambansang kaunlaran.

DAHIL DITO, AKO, SI CORAZON C. AQUINO, Pangulo ng Pilipinas, ay nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran/ kawanihan/ instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga sumusunod na hakbang:

  • 1.Magsakatuparan ng mga hakbang para sa paggamit ng Filipino sa opisyal na komunikasyon, transaksiyon at korespondensiya sa kani-kanilang opisina, maging nasyonal at lokal;
  • 2.Magtalaga ng isa o higit pang tauhan, ayon sa pangangailangan sa bawat tanggapan upang mangasiwa sa mga komunikasyon at korespondensiya na nasusulat sa Filipino;
  • 3.Isalin sa Filipino ang mga pangalan ng opisina, gusali at edipisyong publiko, at mga karatula ng lahat ng opisina at mga dibisyon nito o instrumentaliti ng mga iyon at, kung nanaisin, ilagay sa ibaba nito sa maliliit na letra ang tekstong Ingles;
  • 4.Isa-Filipino ang “Panunumpa sa Katungkulan” ng lahat ng mga pinuno at tauhan ng pamahalaan;
  • 5.Gawing bahagi ng programa ang mga pagsasanay ukol sa pagpapaunlad pantauhan ng bawat opisina ang kasanayan sa paggamit ng Filipino sa mga komunikasyon at korespondensiya opisyal.

Upang maisakatuparan ang gayong mga layunin, inaatasan ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas na bumuo at magsagawa ng programa at mga proyekto na sumasaklaw sa: 1) kampanyang pang-impormasyon tungkol sa kahalagahan at kabuluhan ng wikang Filipino bilang epektibong instrumento ng pambansang pagkakaisa at pagpapaunlad, 2) pagsasalin sa Filipino ng Atas Tagapagpaganap na ito, gayundin ng mga katawagang pampamahalaan upang maging sangguniang babasahin ng lahat ng opisina, 3) pagsasanay ng lahat ng mga pinuno at tauhan ng pamahalaan, 3) pagmomonitor ng implementasyon ng Atas na ito at pagrereport sa panapanahon ng progreso ng implementasyon sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports, at 5) pagsasagawa ng iba pang mga istratehiya para sa puspusang implementasyon ng mga layunin at Atas na ito.

Kaugnay nito, inaawtorisahan ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas na sangguniin at hingan ng suporta ang lahat ng mga kagawaran/ kawanihan/ opisina/ ahensiya/ instrumentaliti ng pamahalaan, nasyonal at lokal. Pinawawalang-bisa ng Atas Tagapagpaganap na ito ang Atas Tagapagpaganap Blg. 187 na may petsang Agosto 6,1969.

Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di-katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba-ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang sanligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag (Mula sa Resolusyon Blg. 96-1 nagsusunog sa Batayan Deskripsiyon ng Filipino na inilalahad ng Resolusyon Blg. 1-92 (Mayo 13, 1992)

Print Friendly