Introduksiyon Sa isang pagdinig sa Senado noong 2014, itinanong ni Senador Loren Legarda sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang isang napakahalaga ngunit napakasalimuot na tanong, ilan ba ang wika sa Filipinas? Mahalaga ang tanong na ito para sa isang multilingguwal na bansang kagaya natin dahil una, sa punto de bista ng praktikalidad, may implikasyon ito sa pagpaplano at pagpopondo ng mga proyektong pangwika. May implikasyon ito halimbawa sa programang pang-edukasyong Mother Tongue-based Multilingual Education (MTB-MLE). Kung tukoy natin ang bilang ng mga wika, mas malinaw na makikita ang aktuwal na pangangailangan, at maiiwasang maipagamit sa pagtuturo sa mga bata ng isang komunidad ang wikang hindi nila lubos na maiintindihan. Mabibigyan din natin ang mga wika ng akmang pondo at panahong kinakailangan nila sa iba-ibang programa ng bansa...ituloy Mga Wika ng Filipinas Mapa ng mga Wika sa Rehiyon: BARMM; CAR; CARAGA; NCR; NIR; Rehiyon I; Rehiyon II; Rehiyon III; CALABARZON; MIMAROPA; Rehiyon V; Rehiyon VI; Rehiyon VII; Rehiyon VIII; Rehiyon IX; Rehiyon X; Rehiyon XI; Rehiyon XII; Mayroong feedback?