TUGATOG NG KAMANGMANGAN ang pagsulat ng anyong “samu’t-sari.” O kahit na ang anyong “samo’t-sari.” Kapag nakita ko ito sa libro ng isang propesor sa Filipino, iniisip ko kung nagbuklat man lámang siyá ng matinong diksiyonaryo sa buong búhay niya. Kapag natunghayan ko ito sa tabloyd, iniisip ko kung naging titser ng reporter o ng editor continue reading : KULO AT KOLORUM (92) “SAMU’T-SARI”
KULO AT KOLORUM (91) PATAYIN ANG OLIGARKIYA!
KASUNOD NG KAMPANYA laban sa droga, nagdeklara kamakailan ang Pangulong Rodrigo Duterte ng pagdigma laban sa mga “oligárka.” Ito ang iilang tao na may monopolyo ng kapangyarihang pampolitika at pangkabuhayan. May “oligarkíya” palá sa halip na demokrasya sa Filipinas. Dahil hawak ng mga “oligárka” ang mga lider nating politiko, silá diumano ang nakasasapote ng lahat continue reading : KULO AT KOLORUM (91) PATAYIN ANG OLIGARKIYA!
KULO AT KOLORUM (90) ANG KASO NI LAPU-LAPU
NOON DAW PANAHON ng kampanya ay nagpahayag si kandidatong Digong Duterte na “iwawasto” niya ang trato kay Lapu-Lapu bílang bayani ng bayan. Ngayong Pangulong Digong Duterte na siyá, marami akong naririnig na ugong na dapat niyang ituwid ang “historikal na kawalang-katarungan” na sinapit ni Lapu-Lapu sa itinuturong kasaysayan ng Filipinas. Paano kayâ? Ideklara ng Malacañang continue reading : KULO AT KOLORUM (90) ANG KASO NI LAPU-LAPU
KULO AT KOLORUM (89) LÁWIG, LAWÍG
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO·FRIDAY, JULY 1, 2016 ni Virgilio S. Almario MARAMI SA dumalo nitóng 19 Mayo 2016 sa pagbubukás ng Lawig, eksibit ng dalawang kabataang artist mulang Negros, ang nag-akala na ukol ito sa Tagalog na “láwig.” Wala kasing tuldik ang pamagat ng eksibit at inisip ng mga dumalo na nauukol ito sa pagpapahabà continue reading : KULO AT KOLORUM (89) LÁWIG, LAWÍG
KULO AT KOLORUM(88) PRESUMIDO
MEDYO NAHULÍ NA ako sa pagpansin nitó. Pero ibig ko pa ring makiisa sa mga pumuna hinggil sa paggamit ng “presumptive” sa bagong-halal nating Pangulo ng Filipinas. Una, waring iniuso na naman ito ng ating midya bunga ng panggagaya sa nagkataóng malawakang gamit nitó sa United States. Ikalawa, mahahalatang may alagang samâ-ng-loob ang nag-uso nitó continue reading : KULO AT KOLORUM(88) PRESUMIDO
KULO AT KOLORUM (87) PG, DQ
SA DUMATING NA mga mungkahing akronim ay dalawa ang napagtuonan ko ng pansin. Una, ang DQ (di kyu), na ang totoo ay mas dapat ituring na daglat para sa disqualification. Matagal ko na itong alam. At alam kong alam ng mga taga-UP, lalo na ang mga nanganganib makatanggap ng ganitong hatol at mapaalis sa unibersidad. continue reading : KULO AT KOLORUM (87) PG, DQ
KULO AT KOLORUM (86) PAKUPYA SA FRENCH
HINDI NATIN ALAM kung sa wikang French kinuha ni Rizal ang circumflaje na tinawag ni Lope K. Santos na “pakupyâ”—ang tuldik na mukhang salakot (^) na ipinagamit na simbolo para sa diing maragsa para sa mga salitâng nagtatapos sa patinig. Circonflexe ito sa French at karaniwang ginagamit sa ibabaw ng patinig upang isimbolo ang nawala continue reading : KULO AT KOLORUM (86) PAKUPYA SA FRENCH
KULO AT KOLORUM (85) AKRONIM PA MORE
INULAN AKO NG text tungkol sa akronim. Luma na raw ang alam ko. Pasensiya po, matanda na po. Nagtanong tulong ako sa mga apó ko. Nagulat ako sa ibinigay niláng mga sampol. Sige nga, alam ba ninyo ang GMG? Sagot: “Google Mo Girl.” Alam kong alam na ninyo ang MU. “Mutual understanding.” Pero may bagong continue reading : KULO AT KOLORUM (85) AKRONIM PA MORE