1

Emilio Jacinto (15 Disyembre 1875-16 Abril 1899)

“Kailangan ng ating bayan ang mga kabataang tulad ko, Ina. Alam kong ipagmamalaki ako ni ama kung nabubúhay siya ngayon.”

Tugon ni Emilio Jacinto sa kaniyang ina nang pigilan siya diumano sa paglahok sa Himagsikang Filipino.

Isa si Emilio Jacinto, na namatay noong 16 Abril 1899, sa mga dahilan ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan ng Filipinas. Ipagbunyi natin ang buhay at kabuluhan ng mga akda ng mandirigmang intelektuwal na tunay na anak ng bayan.




Maligayang ika-101 anibersaryo ng kapanganakan kay Severino Montano, Pambansang Alagad ng Sining

Severino Montano

SEVERINO MONTANO
Pambansang Alagad ng Sining para sa Teatro
(3 Enero 1915–12 Disyembre 1980)

Si Severino Montano ay isang mandudula, makata, direktor, at organisador ng teatro. Siya ang nagtatag at nag-organisa ng Teatrong Arena noong 1953 sa Philippine Normal College (PNC), at pinangunahan ang Kilusang Balik sa Barrio, habang siya ay Dekano para sa Intruksiyon ng PNC noong dekada 70. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining sa Teatro noong 2001.

Mula sa Sagisag Kultura ng NCCA.




Florentino H. Hornedo (1938–2015), Komisyoner para sa wikang Ivatan

Nakikiramay ang KWF sa pamilya ni Dr. Florentino H. Hornedo na pumanaw noong 9 Disyembre 2015 sa Sabtang, Batanes. Si Dr. Hornedo ay isang iginagalang na eskolar, kritiko, propesor, at eksperto sa wika. Naglingkod siya sa KWF bilang komisyoner para sa wikang Ivatan.

Florentino HornedoRetrato mula sa culturalcenter.gov.ph




Komisyoner Jerry B. Gracio, S.E.A Write Awardee ng Filipinas ngayong 2015

Malugod na binabati ng KWF si Komisyoner Jerry B. Gracio, kinatawan ng wika sa  Samar-Leyte, sa pagtanggap niya ng prestihiyosong South East Asian Writers Award (SEA Write Award). Pagkilala ang gawad na ito sa pinakamahuhusay na manunulat ng Timog Silangang Asya at iginagawad ng maharlikang pamilya ng Thailand mula pa noong 1979. Maaaring basahin ang kaniyang pagtanggap sa gawad sa link na ito.

1

Komisyoner Jerry B. Gracio, SEA Write Awardee ng Filipinas ngayong 2015

Retrato ni Jonathan Balsalmo




Natatanging parangal sa National Book Award ng KWF para sa mga pag-aaral sa wika, ipinagkaloob sa Ambagan 2011

Ambagan cover

Nagwagi sa kategoryang mga pag-aaral sa wika ang Ambagan 2011: Mga Salita Mula sa Iba’t Ibang Wika sa Filipinas ni Michael M. Coroza at Galileo S. Zafra sa ika-34 na National Book Awards (NBA) ngayong 2015.

Isa itong natatanging gawad na inihahandog ng Komisyon sa Wikang Filipino sa NBA na itinataguyod ng Pambansang Lupon para sa Pagpapaunlad ng mga Aklat (NBDB) at Manila Critics Circle mula pa noong 1981.

Kasama ang aklat, na inilimbag ng University of the Philippines Press, sa 28 aklat na pagkakalooban ng parangal sa 5 Disyembre 2015.