Para sa ikatlong tertulya sa Buwan ng Panitikan ng Filipinas, tatalakayin ng mga batikang musikerong sina Ely Buendia, Ebe Dancel, at Lourd De Veyra ang mga kasalukuyang isyu hinggil sa pagsulat ng mga awitin sa 20 Abril 2016, 3–5nh., sa UST Civil Law Auditorium, G/F, Main Bldg., Unibersidad ng Santo Tomas, Maynila.

Ang tertulyang may pamagat na “Titik at Himig: Philippine Contemporary Songwriting at OPM,” ay pinangasiwaan ng UST Center of Creative Writing and Literary Studies bilang pakikilahok sa Buwan ng Panitikan ng Filipinas ngayong Abril. Nauna nang nangyari ang mga tertulya sa Pamantasang De La Salle at Pamantasang Ateneo.

Kilala bilang front man ng makasaysayang Eraserheads si Ely Buendia. Sa kasalukuyan, kasapi siya ng bandang Pupil at The Oktaves. Dati namang lead singer at gitarista ng Sugarfree si Dancel na ngayon ay nakapaglabas na ng dalawang album bilang solo artist. Tagapanguna naman ng bandang jazz rock na Radioactive Sago Project ang manunulat, peryodista, at aktibistang si Lourd De Veyra.

Bukás ang tertulya sa publiko. Para sa reserbasyon, maaaring tawagan si Bb. Anna Nicolas sa 406-1611 lokal 8281.