“Kailangan ng ating bayan ang mga kabataang tulad ko, Ina. Alam kong ipagmamalaki ako ni ama kung nabubúhay siya ngayon.”

Tugon ni Emilio Jacinto sa kaniyang ina nang pigilan siya diumano sa paglahok sa Himagsikang Filipino.

Isa si Emilio Jacinto, na namatay noong 16 Abril 1899, sa mga dahilan ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan ng Filipinas. Ipagbunyi natin ang buhay at kabuluhan ng mga akda ng mandirigmang intelektuwal na tunay na anak ng bayan.