Rehiyon 9 – Magdaraos ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng Panrehiyong Seminar sa Korespondensiya Opisyal sa 26–27 Pebrero 2020 sa Dapitan City Resort Hotel and Pavilion, Lungsod Dapitan, Zamboanga del Norte.

Layunin ng seminar na ito na mabigyan ng paunang oryentasyon sa masinop na paggamit ng wikang Filipino ang mga empleado ng lokal na pamahalaan ng mga probinsiya ng Rehiyon 9.

Ang dalawang araw na pagtitipon ay ilalaan sa pagsasanay ng mga dadalo sa paggamit ng Ortograpiyang Pambansa, paghahanda ng korespondensiya opisyal, at pagsasalin upang maging wasto ang paggamit nila ng wikang Filipino.

Ito ay bukás para sa mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Rehiyon 9. Ang halaga ng rehistrasyon ay anim na daang piso (PHP600.00) para sa seminar kit at pagkain (4 meryenda at 2 tanghalian). Hindi kasama rito ang akomodasyon at pagkain sa labas ng seminar na maaaring magmula sa pondo ng pamahalaang lokal.

Maaaring makipag-ugnayan sa sumusunod para sa paraan ng pagpaparehistro at iba pang bagay:

Pinky Jane Tenmatay (0915-2864-011; pinkyjanes10matay@gmail.com)
Sibugay
Pamahalaang Lalawigan ng Zamboanga del Sur
Pamahalaang Lalawigan ng Zamboanga del Norte

Jomar Cañega (0906-4420-906 ; jinocanega@gmail.com)
11 na ahensiya ng Pamahalaan sa Rehiyon 9 (DOT, NEDA, DBM, DTI, COA, LTFRB, LTO, DSWD, DENR, DPWH, DILG)

Einzoely Agcaoili (0917-1508-019 ; einzoely08@gmail.com)
Zamboanga del Norte

Miriam Cabila (0966-9052-938 ; miriam.cabila@yahoo.com)
Zamboanga del Sur

I-click para sa  para sa preregistration at DILG Panrehiyong Memorandum Sirkular

Ang KWF ay itinatag sa bisa ng Batas Republika Blg. 7104 na may mandato sa pagtataguyod ng saliksik, pagpapaunlad, at preserbasyon ng wikang Filipino at iba pang mga katutubong wika ng Filipinas.