Aby Maraño

 

Ipinakikilala ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ngayong Oktubre ang pinakabagong personalidad nito para sa wika at kulturang Filipino, ang atletang si Abigail “Aby” P. Maraño.

Isa si Maraño sa pinakamahusay na manlalaro ng volleyball sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP). Naging kasapi siya ng DLSU Lady Spikers na namayagpag sa UAAP mula 2011 hanggang 2013.  Siya ay kinilala bilang Most Valuable Player (MVP) ng UAAP noong Season 74 at 75.

Sa kasalukuyan, naglalaro si Maraño sa mga propesyonal na liga gaya ng Shakey’s V-League at Philippine Super Liga (PSL). Kinatawan niya rin ang Filipinas sa katatapos na ika-28 SEA Games nitong 2015.

Dagdag pa, si Maraño ay isang Filipino major at nagtapos ng AB Philippine Studies major in Filipino in Mass Media. Sa nabanggit na poster, sinasabi ni Maraño na “Filipino ako, Filipino ang wika ko, at Filipinas ang bayan ko.” Sa nasabing poster, sinabi ni Lourd na “Filipino ako, Filipino ang wika ko, at Filipinas ang bayan ko.” Kasama sa poster ang mga retratong sumasagisag sa mga halagahang Filipino na marangal, malikhain, at mapagbago.

Bahagi ito sa kampanya ng KWF na kilalanin ang mga personalidad na nagsisilbing ehemplo sa mahusay at epektibong paggamit ng Filipino sa kanilang larang. Nauna nang naging modelo ng KWF sina Gob. Vilma Santos-Recto, Francis N. Tolentino ng MMDA, ang mang-aawit at kompositor na si Noel Cabangon, at ang mang-aawit at peryodistang si Lourd De Veyra.