Bilang pakikiisa sa Buwan ng Pambansang Panitikan, idaraos ng International English Learners Training Institute (IELTI) sa Lungsod Baguio sa darating na Abril 15-17, 2016 ang isang Pambansang Seminar-Workshop sa Pagtuturo ng mga Kanonigo at Rehiyonal na Panitikan ng Filipinas.

Tampok na mga tagapagsalita sina Prop. Danilo Francisco M. Reyes, tagapangulo ng Department of English, Ateneo de Manila University, at Prop. Louie Jon A. Sanchez, instruktor ng Department of English, Ateneo de Manila.

Magbibigay ng panayam si Reyes hinggil sa pagtuturo ng mga kanonigong teksto tulad ng Noli Me Tangere, El Filibusterismo, Ibong Adarna, at Florante at Laura. Samantala, magbibigay naman ng panayam hinggil sa pagtuturo ng mga rehiyonal na panitikang Filipino si Sanchez.

Gaganapin ang pambansang seminar-workshop sa Hotel Supreme Convention Plaza, Magsaysay Avenue, Lungsod Baguio.

May mga kaukulang pauna (advisory o memo) ang Commission on Higher Education at Department of Education para sa pambansang seminar workshop na ito.

Mangyari lamang na tumawag o magtext sa 09399260772 para sa impormasyon at pagpapatala.