Cabangon-Filipinas-poster_FB

Ang tanyag na mang-aawit at kompositor na si Noel Cabangon ang pinakabagong personalidad na itinatampok ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa kampanya nito para sa wika at kulturang Filipino.

 

Kilala si Cabangon sa mga awitin niya sa Filipino gaya ng Ako’y Isang Mabuting Pilipino at Dito sa Kanto. Nagkamit na siya ng maraming parangal gaya ng Awit at Universal Music awards.

 

Si Cabangon ang kasalukuyang pangulo ng Filipino Society of Composers, Authors and Publishers, Inc. (FILSCAP), isang samahan na nagsusulong ng mga karapatan ng manlilikhang Filipino.

 

Sa nasabing poster, ipinahahayag ni Cabangon na “Filipino ako, Filipino ang wika, Filipinas ang bayan ko.” Matatagpuan ang mga poster sa Pahayagan ng MMDA sa pilíng mga lugar sa Maynila.