Ipinababatid sa lahat na SARADO NA ANG REHISTRASYON para sa 300 kalahok ng Pandaigdigang Kongreso sa Araling Filipinas sa Wikang Filipino na gaganapin sa 2-4 Agosto 2017, National Museum, Lungsod Maynila.
Paalala sa mga nagpatala:
- Sa mga kalahok na nagpatalâ at nagdeposito ng registration fee sa KWF akawnt, tiyakin ang sumusunod:
- Magpadala ng kopya ng inyong deposit slip sa email na kongreso2017@gmail.com hanggang sa 31 Hulyo 2017 para sa kaukulang pagrerekord sa inyo bilang opisyal na delegado.
- Magdala ng kopya (orihinal at photocopy) ng deposit slip sa araw ng Kongreso bilang katibayan ng pagpapatala.
- Magdala ng kopya (orihinal at photocopy) ng inyong valid ID.
- Para sa mga estudyanteng kalahok na nagdeposito ng student rate sa KWF akawnt, tiyakin ang sumusunod:
- Magpadala ng kopya ng inyong deposit slip sa email na kongreso2017@gmail.com hanggang sa 31 Hulyo 2017 para sa kaukulang pagrerekord sa inyo bilang opisyal na delegado.
- Magdala ng kopya (orihinal at photocopy) ng deposit slip sa araw ng Kongreso bilang katibayan ng pagpapatala.
- Magdala ng kopya (orihinal at photocopy) ng inyong Student ID.
- Para sa mga nagpatalâng kalahok bago ang 28 Hulyo 2017 na nagpabatid sa Sekretaryat na sa araw ng Kongreso magbabayad, tiyakin ang sumusunod:
- Pormal na naiabiso sa Sekretaryat ang inyong pagpapatala bago ang 28 Hulyo 2017 at nakatanggap kayo ng tugon hinggil dito.
- Magdala ng kopya (orihinal at photocopy) ng inyong valid ID.
- Hindi na maaakomodeyt ang mga delegadong hindi preregistered at magdedeposito sa KWF akawnt bago ang 28 Agosto 2017.
- Hindi na maaakomodeyt ang sinumang walk-in participant sa araw ng Kongreso.