Mas makikilala pa ng mga sasama sa Litearatour sa Majayjay, Laguna ang tinaguriang Utak ng Katipunan na si Emilio Jacinto sa ika-117 paggunita ng kaniyang pagkamatay sa 16 Abril 2016.

Sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Bayan ng Majayjay, itatanghal ng literatour ang lawas ng mapaghigmasik na panulat sa mga pagbasa’t pagtatanghal ng Mga Aral ng Katipunan ng mga A.N.B. at búhay ni E. Jacinto.

Pumanaw ang rebolusyonaryong manunulat sa Bayan ng Majayjay sa gulang na 24 dahil sa malaria. Bilang karagdagang pagpupugay sa kadakilaan ni E. Jacinto, maghahandog ng mga tula ang mga premyadong makatang na sina Michael M. Coroza (Sa Pook Na Ito, Jacinto) at Makata ng Taon 2015 Christian Ray Pilares (Pingkian).

Ipakikilala rin sa madla ang eskultor na si Priscillano Vicaldo Jr., ang lumikha ng Si Emilio Jacinto at Inang Kalayaan. Ang estatwa ni Vicaldo ay itatayo sa Bayan ng Majayjay sa pakikipagtulungan ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA) at KWF.

Para sa mga detalye, maaaring tumawag sa 736-2519, o bumisita sa kwf.gov.ph.