Hihiranging Mananaysay ng Taóng 2016si Reyzeljan Josef B. Delos Trinos, mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas sa Baguio atDiliman, sa 19 Agosto 2016, UP Bahay ng Alumni, Lungsod Quezon.

Nagwagi ang sanaysay ni Delos Trinos na pinamagatang “Sa Loob at labas ng Tablet kong Sawi: Ang Diskurso ng Heograpiya ng Virtual na Espasyo.” Bukod sa titulo ng Mananaysay ng Taon 2016 ay tatanggap din siya ng premyong PHP30,000.00 at plake ng pagkilala.

Ipagkakaloob naman ang ikalawang gantimpala kay Ferdinand Lopez ng Unibersidad ng Santo Tomas para sa kaniyang sanaysay na “May Tamang Lugar at Panahon: Paghahanap sa Pira-pirasong Langit ng Tondo.” Ikatlong gantimpala naman ang nasungkit ni Dorothy Javier ng Pamantasang De La Salle para sa “Pananahimik at Wikang Filipino: Isang Pagsasakultura ng Pananampalataya.”

Kasama ang plake ng pagkilala, tatanggap sina Lopez at Javier ng PHP20,000.00 at PHP15,000.00 nang magkahiwalay.

Umupo sa Lupon ng Inampalan sina Alvin Yapan (Kagawaran ng Filipino, Pamantasang Ateneo de Manila), Luna Sicat-Cleto (Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman), at John Pelias (Kolehiyo ng Agham, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman).