TERTULYA SA TULA: ISANG HAPON NG MGA MAKATA NG TAON

Libreng panayam pampanitikan, handog ng KWF ngayong Buwan ng Panitikan 2015

Inihahandog ng KWF, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikang Pambansa 2015, ang “Tertulya sa Tula: Isang Hapon ng mga Makata ng Taon” na gaganapin sa 6, 13, 20, at 27 Abril 2015, 2-4nh, sa Bulwagang Romualdez ng KWF. Ang naturang gawain ay may layuning magbigay ng libreng panayam pampanitikan sa mga interesadong estudyante, guro, at iba pang indibidwal.

Tatalakayin ng mga Makata ng Taon ang kontemporaneong panulaang Filipino at ang pagtitimbang ng tradisyon at modernidad sa pagtula. Naglaan din ng book signing para sa mga nais magpapirma ng aklat at magpakuha ng retrato kasama ang mga makata.

Bukás sa publiko ang programang ito, gayunman ay limitado ang KWF sa pagtanggap ng unang 30 kalahok na magpapatala para sa programa. Para sa rehistrasyon, makipag-ugnayan lamang kay Bb. Kriscell Largo Labor sa cellphone blg. 09176146435 o sa email na tantiyado@gmail.com.

 

tertulya1tertulya2tertulya3tertulya4

PROGRAMA

2–2:30nh – Rehistrasyon

2:30–3nh – Pambungad na Palatuntunan
Pagpapakilala sa mga Makata ng Taon
Pagbasa ng Tula ng Makata ng Taon

3–4nh – Talakayan
(1) Ano ang kontemporaneong panulaang Filipino?

(2) Paano mo isinasaalang-alang ang tradisyon at
modernidad sa iyong pagtula?

Malayang Talakayan
Book signing

TENTATIBONG ISKEDYUL NG MGA PANAYAM NG MGA MAKATA NG TAON:

6 Abril

Joselito Delos Reyes
Jerry Gracio
Alvin Ursua

13 Abril

Vim Nadera
Rowena Festin
Christian Pilares

20 Abril

Fidel Rillo
Ariel Dim Borlongan
Louie Jon A. Sanchez

27 Abril

Jesus Manuel Santiago
Rogelio G. Mangahas
Lamberto E. Antonio