MGA MISYON PARA SA KOMISYON SA WIKANG FILIPINO (Isang Ulat para sa Kongreso ng Pagplanong Wika, 5 Agosto 2015) ni Virgilio S. Almario NAPAKAHALAGA NG PAGPAPLANONG WIKA ngunit waring nawala ito sa isip ng nagdaang mga tagapamahala ng Surian ng Wikang Pambansa at hanggang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Mahirap tuloy mabalikan ngayon kung ano continue reading : MGA MISYON PARA SA KOMISYON SA WIKANG FILIPINO

Sali(n) Na! Luna 2016, tumatanggap na ng mga lahok
Tumatanggap na ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng mga salin ng Impresiones ni Heneral Antonio Luna para sa Sali(n) Na! 2016 sa pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-150 anibersaryo ng bayani. Ang Sali(n) Na! ay taunang programa ng KWF sa pagsasalin ng pinakamahahalagang tekstong pampanitikan, pangkultura, at/o pangkasaysayan ng bansa tungo sa layuning makalikha ng repositoryo continue reading : Sali(n) Na! Luna 2016, tumatanggap na ng mga lahok
Mga guro, maging malikhain sa pagtuturo ng Filipino
Mula sa Rappler: ‘Hindi makaaasang magiging mahusay na mahusay ang mag-aaral kung hindi mahusay na mahusay ang modelo – ang mga guro’. I-click ang sumusunod na link para sa buong artikulo mula sa rappler.com. http://rappler.com/nation/101762-guro-maging-malikhain-pagtuturo-filipino Retrato ni Joel Leporada. Mula sa rappler.com
Kongreso sa Pagpaplanong Wika: Mga guro, hinikayat na pag-ibayuhin ang pagtuturo ng wika
Balita mula sa The Varsitarian ng Unibersidad ng Santo Tomas. I-click ang sumusunod na link para sa buong balita sa varsitarian.net. http://varsitarian.net/breaking_news/20150806/mga_guro_hinikayat_na_pag_ibayuhin_ang_pagtuturo_ng_wika
TERTULYA SA TULA: ISANG HAPON NG MGA MAKATA NG TAON
Libreng panayam pampanitikan, handog ng KWF ngayong Buwan ng Panitikan 2015 Inihahandog ng KWF, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikang Pambansa 2015, ang “Tertulya sa Tula: Isang Hapon ng mga Makata ng Taon” na gaganapin sa 6, 13, 20, at 27 Abril 2015, 2-4nh, sa Bulwagang Romualdez ng KWF. Ang naturang gawain ay continue reading : TERTULYA SA TULA: ISANG HAPON NG MGA MAKATA NG TAON
Kumperensiya sa Wika at Panitikang Waray ng KWF, mangyayari na sa 26-28 Pebrero 2015
Itatampok ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Leyte Normal University (LNU) ang wika at panitikang Waray sa Pinulungan Ngan Panurat: Pambansang Kumperensiya sa Wika at Panitikang Waray sa 26-28 Pebrero 2015 sa LNU Gymnasium, Leyte Normal University, Lungsod Tacloban, Leyte. Hinahangad rin ng kumperensiya na magkaroon ng mga talakayan sa mga isyu at pagbabago continue reading : Kumperensiya sa Wika at Panitikang Waray ng KWF, mangyayari na sa 26-28 Pebrero 2015
Pagtatayo ng Kawanihan ng Pagsasalin sa Filipinas, isinulong ng mga delegado ng Kongreso sa Salin
Isang Kawanihan ng Pagsasalin na magiging sentro ng opisyal na mga gawain sa pagsasalin ang nangunang resolusyon na ikinasa ng mga lumahok sa kakatapos pa lamang na Kongreso sa Salin noong 7—9 Agosto 2014, Unibersidad ng Pilipinas Visayas, Lungsod Iloilo. Sa temang Ang Pagsasalin Bilang Pambansang Pangangailangan, nagtipon-tipon ang mahigit 60 tagasalin, dalubwika, guro, at continue reading : Pagtatayo ng Kawanihan ng Pagsasalin sa Filipinas, isinulong ng mga delegado ng Kongreso sa Salin