ni Virgilio S. Almario MAS RESPONSABLENG MASS MEDIA (2) SA ISANG PAGTITIPON ng “Kapihang Wika” ay nagreklamo ang isang reporter. [Hindi ko babanggitin ang kaniyang pangalan dahil bakâ mawalan siya ng trabaho.] Sabi niya, nahihirapan siláng mga reporter sumunod sa Ortograpiyang Pambansa dahil binabago ng kanilang mga editor ang kanilang balita. Ibinigay niyang simpleng continue reading : Kulo at Kolorum: Mas Responsableng Mass Media
NGAYON, NGAYONG UMAGA, NGAYONG GABI
ni Virgilio S. Almario NGAYON, NGAYONG UMAGA, NGAYONG GABI NABASA KO SA balita ng ANC nitóng 24 Oktubre 2014: BANGKAY NI JENNIFER ILILIBING NGAYONG ARAW. Hindi ko na matandaan ang buong pangungusap. Ngunit dumikit sa isip ko ang “ngayong araw.” Bakit? Dahil madalas ko na itong mabása sa libro at marinig kahit sa mga titser continue reading : NGAYON, NGAYONG UMAGA, NGAYONG GABI
KATUTUBO BA SA ATIN ANG CORAL REEF?
ni Virgilio S. Almario KATUTUBO BA SA ATIN ANG CORAL REEF? NAPAKAHALAGA SA ATIN ng coral reef. Unang-una, ito ang pugad ng mga isda at lamang-dagat. Sa gayon, ang pangangalaga sa kalusugan nitó ay katumbas ng pag-iingat sa ating likás na yamang-dagat. Sapagkat may mga coral reef sa nakapaligid na tubigan ng Filipinas, tiyak continue reading : KATUTUBO BA SA ATIN ANG CORAL REEF?
MAY BUNDOK DITO SI CLEOPATRA
ni Virgilio S. Almario MAY BUNDOK DITO SI CLEOPATRA ALAM BA NINYO na may tinatawag na Mount Cleopatra sa Filipinas? Nagulat din ako nang mabása sa diyaryo na isa sa pinakamataas na bundok natin ay ipinangalan na bantog at kontrobersiyal na Reyna ng Ehipto. Sino kayâ ang nagpangalan? Ngunit ang higit na interesante ay continue reading : MAY BUNDOK DITO SI CLEOPATRA
SEGURADO KA BA?
ni Virgilio S. Almario SEGURADO KA BA? NABANGGIT NI Ambeth Ocampo sa isang kolum niya ang problema ng nagbagong kahulugan sa atin ng “sigúro” mula sa orihinal na seguro ng Espanyol. Maraming ganitong pangyayari sa mundo ng hiramang wika. Sa naturang kaso, ang bagong anyo sa ating wika ay halos kabaligtaran ang kahulugan ng continue reading : SEGURADO KA BA?
KULO AT KOLORUM (20)
ni Virgilio S. Almario RIZAL: KAAWAY NG WIKANG FILIPINO? TULAD NG KINATATAKUTAN ko, may artikulong nalathala sa isang peryodiko noong 19 Hunyo na isang makawikang Filipino si Rizal dahil sa kaniyang tulang “Sa Aking mga Kabata.” Mahirap talagang sawatain ang isang lumaganap na kamangmangan. Subalit higit akong nagitla sa isang narinig kong pahayag na continue reading : KULO AT KOLORUM (20)