Malugod na nag-aanyaya ang Komisyon sa Wikang Filipino na dumalo at makiisa sa pagdiriwang ng Araw ni Balagtas 2019 na gaganapin sa 2 Abril 2019, ika-8:30nu, sa Hardin ni Balagtas at Orion Elementary School, Orion Bataan. Magiging bahagi ng programa ang pagpaparangal sa mga nagwagi sa Talaang Ginto: Makata Taon 2019 at paggawad ng Dangal ni Balagtas.

Mayroong bus na maghahatid at susundo sa Tanggapan ng KWF na aalis eksaktong 5:00nu patungong Orion, Bataan. Kailangang magtungo nang mas maaga sa takdang oras para sa pagpapatala. Ang pamasahe ay libre, kasama ang almusal, tanghalian at meryenda sa hapon. Babalik ito sa tanggapan pagkatapos ng pananghalian sa Orion.

Para sa interesadong sumama, mangyaring sagutan ang pormularyo. Para sa katanungan, mangyaring tumawag kay Christel sa telepono blg (632)7362519 at/o mag-email sa komisyonsawika@gmail.com.