Bilang pakikiisa sa Pandaigdigang Araw ng mga Guro, malugod kayong inaanyayahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na saksihan ang birtuwal na pagbibigay ng parangal sa mga nagwaging Ulirang Guro sa Filipino 2021.  Gaganapin ang birtuwal na parangal sa 4 Oktubre 2021, 9:00nu sa KWF Facebook page.

Ngayong taon, pararangalan sina Dr. Romeo P. Peña ng Polytechnic University of the Philippines, Dr. Ma. Lourdes R. Quijano ng Nueva Ecija University of Science and Technology, Dr. Rowel D. Madula ng De La Salle University, Voltaire M. Villanueva ng Philippine Normal University, at Mark-John R. Prestoza ng Quirino National High School.

#UlirangGurosaFilipino2021

#KWFUGFilipino2021